So, kamusta ka naman?

Okay naman ako. Well, things could be worst but I think I’m doing good. Okay na ulit sa work, my boss doesn’t hate me and I think I’ve redeemed myself from my past mishaps. Alam mo na? Yun mga panahon na pinili kita kesa sa trabaho ko. Inalagaan ka nung may sakit ka at the risk of losing my job. Did I tell you that I almost got fired? Hindi ata. Oh well, katangahan ko na lang din siguro. Hindi mo naman sinabi na alagaan kita e, nagkusang loob ako. Hindi mo naman din ako pinilit kaya di din naman kita masisi sa mga putang inang nangyari sa buhay ko simula nung makilala kita.

large

Oh ano na? We’ve been “friends” for more than a year na bruh. Ano ba tayo? Friends pa rin ba? Friends lang ba? Hanggang dun na lang? Oo, bro naiintindihan ko situation mo. Ayaw mo ng relationship kasi nga na-trauma ka dun sa last mo. Dun sa ex mong baliw. Pero iba naman ako sa kanya e. Okay lang iintindihin ko. Hindi naman kita minamadali. Maghihintay ako don’t worry. I’ll stay beside you kahit anong mangyari dahil magkaibigan naman tayo e.

Oh ano na? Naghihintay pa rin ako dito. Umaasa na baka sakaling paggising mo bukas e marealize mo na mahal mo na ko.

Siguro di pa to yung araw na yun. Okay lang maghihintay ako. Magtitiis ako kasi alam kong mahal na kita… Di kita kayang bitawan lalo na’t mas malalim na pinagsamahan natin. Mas nakilala na kita e. Hindi lang ikaw pati pamilya mo. Naging parte na ako ng buhay mo at ikaw sa akin. Kaya maghihintay ako.

Oh ano na? Naghahanap ka ng iba? Bored ka ba sa kin? Hindi mo ko type? Ay, oo nga pala “friends” lang pala tayo kaya okay lang makipag chat ka sa iba. Nakipag-videocall ka pa nga e. Ang sakit nun bruh kasi akala ko parang exclusive tayo pero putang ina… nagkamali ako. Tanga ko, bat ako umasa? Maling akala lang pala.

Oh ano na? Kamusta na mga naka-match mo sa Tinder?

Oh ano na? Kamusta naman sa Scruff at Growlr?

Oh ano na? Akala mo ba hindi ko alam? Akala mo lang yun pero alam ko mga ginagawa mo sa likod ko. Masakit pero hello? May karapatan ba ko masaktan? O sabhihin nararamdaman ko? “Friends” lang naman tayo di ba?

Oh ano na? Magkaiban lang tayo pero nagsesex tayo. Nagkikiss. Nagcucuddle? Friend pa rin ba turing mo sakin bro? Yeah, shit! Ayoko nito. Ayoko ng ganitong feeling. Yung nanunumbat pero putang ina naman. Konting respeto sana… Ako tong laging nandito para sayo e, para tulungan ka… I’ve always had your back bro lalo na nung mga panahon na wala kang pera, di ba pinakain kita? Eh nung wala kang pambili ng gamut? Di ba ako bumili? Lahat naman ng gusto mo sinusubukan kong ibigay eh pero di ata sapat yun?

 

Oh ano na? Kasi alam mo napapagod na din ako. Ginagawa ko naman lahat e pero bakit hanggang ngayon kaibigan pa rin turing mo sa kin? Okay lang. Tanggap ko naman. Hindi ako ka-level mo siguro. Ang gwapo mo naman kasi. Ang daming naghahabol sayo. Kahit sinong gusto mo pwede mong makuha e.

Oh ano na? Pampalipas oras lang ba ko? Dahil ba kapitbahay kita kaya ka nagtitiyaga sa akin? Dahil convenient ba? Bale, pag dumating na ba yun hinahanap mo iiwan mo na ko? Tatanungin kita kung bakit siya pinili mo pero may karapatan ba ko manghimasok sa buhay mo? Teka, kaibigan mo nga lang pala ko.

Oh ano na? Nagsawa ka na ba? Ako, malapit na e. Nakakapagod na kumapit bruh.

Oh ano na? Kamusta na kaya si Josh? Naaalala mo ba si Josh? Yun nakatira sa building mo? Yun naka “hang out” mo nung Christmas Party namin? Akala ko nga tulog ka na nun e, nasa kotse mo lang pala kayo “nagkukuwentuhan.” So “friends” lang kayo?

Oh ano na? May sakit ka ngayon. Malala? Kanser ata yan… pero sorry, nung una inisip ko baka may HIV or AIDS ka na… sorry kasi naisip ko na buti nga sayo putang ina ka… karma mo yan! Dahil sa ilang beses mo kong niloko yan napala mo.

Oh ano na? Sinong nagaalaga sayo ngayon? Sinong karamay mo ngayon ha? Ako? Andito pa din ako. Nagaabang. Naghihintay. Umaasa pa din na baka nagbago na isip mo. Baka ngayon na-realize mo na mahal mo na ko? Hindi pa din pala.

Oh ano na? Di ko na alam gagawin ko. Di kita matitigan ng derecho kasi laging pumapasok sa isip ko lahat ng katarantaduhan na pinaggagawa mo sakin noon. Porket di ako nagsalita hindi ibig sabihin na hindi ko alam.

Oh ano na? Pagod na ko bruh. Pagod na kong maging kaibigan mo. Pagod na kong ibuhos lahat ng atensyon sayo e. Pagod na ata akong maging best friend mo.

Oh ano na? Kung kaibigan lang din naman turing mo sakin eh ituring mo ko na parang kaibigan mo. Itigil na natin to.

Oh ano na? Meron pa ba?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s