Kalahati ng tao sa buong mundo lalaki pero paano ba nasusukat ang pagkalalaki? (here’s my first Tagalog entry)

Nasa haba ba ng tite o laki ng bayag? Nasa taas ba ng ihi o bilang ng putok na kaya niyang ilabas? Nasa lapot ba ng tamod o lasa nito? Nasa dami ba ng babaeng napaluha o nakantot o napaluha habang kinakantot? Nasa dami ba ng kabit o puta na na-ikama o nasa galing ng pakikipaglaplapan o tagal ng pakikipagtalik bago labasan? Nasa laki ba ng dibdib at braso o nasa bilang ng abs sa tiyan? Nasa dami ba ito ng tattoo sa katawan o hikaw sa iba’t ibang parte ng katawan? Nasa lakas ba ito? Ang pagkakalalaki ba ay nasusukat sa bigat ng kaya niyang buhatin? Tunay na lalaki lang ba ang kayang magbuhat ng isang sakong bigas o isang galong ng tubig? Nasusukat ba ang pagkalalaki ng isang tao sa pisikal nitong anyo?

Nasa dami ba ng kaya niyang inumin na beer bago malasing at sumuka? Nasa dami ba ito ng kaya niyang kainin na kanin at ulam? Ang tunay na lalaki ba kailangan mag- extra rice?

Ang basehan ba ng pagkalalaki ay nasa tapang nito? Nasa dami ng nabugbog? Nusuntok? Natadyakan? Napatay? Ang tunay na lalaki ba ay basagulero? Walang inaatrasan na away? Susugod hangga’t kailangan? Tunay na lalaki lang ba ang kayang ipagtanggol ang kaniyang sarili paano naman ang lalaking ayaw lumaban?

Nakikita ba ang pagkalalaki sa pananamit? Kailangan ba na naka-jersey ito at maluwag na pantaloon? Naka-cap na patigilid na parang jejemon o naka-masikip na t-shirt para ipakita ang katawan?

Nasusukat ba ang pagkalalaki sa kilos nito? Sa tikas o tindig? Nakikita ba sa nito? Nasa kapal ba ng bigote o haba ng patilya? Ang tunay na lalaki ba hindi pwedeng magpulbos o face powder sa mukha? Ang tunay na lalaki ba ay makinis o balbon? Dapat ba na ang tunay na lalaki may buhok sa kili-kili o nag-shashave ng dibdib? Nasusukat ba ang pagkalalaki sa pagka-mahinhin nito pagkamaton?

Masasabi mo ba na ang tunay na lalaki ay hindi umiiyak? Kayang magtago ng tunay na nararamdaman para lang magmukhang astig at matapang?

Ang tunay na lalaki ba kailangan mahilig sa sports? Marunong mag-basketbol? Mahilig sa wrestling? Boxing? Mixed martial arts? Ang tunay na lalaki ba hindi pwedeng mahiligan ang figure skating? Ballet? O gymnastic?

Nalalaman ba ang pagkalalaki sa pinanood nito? Kailangan ba na ang tunay na lalaki mahilig sa aksyon? Hindi ba pwede na ang tunay na lalaki ay magkahilig din sa drama o romance?

Nasusukat ba ang pagkalalaki sa music na pinakikinggan niya? Kailangan ban a mahilig siya sa rakenrol, metal, at iba pa? Hindi ba tunay na lalaki ang nahihilig kay Britney Spears, Madonna, Lady GaGa, o Cher?

Ang lalaki ba kailangan mahilig sa komiks at mga super heroes? Hindi ba pwede na mahilig din siya sa fashion at sa mga broadway musicals?

Ang daming lalaki sa buong mundo. Iba iba ang pagkatao. Pero bakit ganon? Hindi maintindihan ng lahat ng tao ang pagkakaibang ito sa mga kalalakihan?

Pag malamya – bakla, pag mahilig sa Twilight – bakla, pag di pamilyar sa sports – bakla, pag hindi ka macho o kahit ano pa man ang gawin mo na kakaiba e bakla ka na.

Ang tunay na lalaki hindi gago. Hindi magpapaiyak ng babae at hindi kakantot ng kung sino sino lang na puta na bubukaka para sa kaniya. Marunong umiwas sa tukso at kayang kontrolin ang libog.

Ang tunay na lalaki malaki man ang tiyan o puro abs marunong umiyak kung kinakailangan. Gaano man katapang, ang tunay na lalaki marunong yumuko sa kinauukulan. Marunong mag-sorry kahit siya ang mali at alam niya na ang mga bagay bagay ay nadadaan sa matinong usapan. Ang tunay na lalaki marunong tumalikod at lumakad papalayo kahit na batuhin pa ng kung ano. Ang tunay na lalaki kayang tumanggap ng bala para sa taong minamahal.

Sa totoo lang, mas madami ba kong kilalang bading o mga nagtatagong bading na mas lalaki pa sa pinaka-lalaking tao na kilala mo. Mas may balls pa sila harapin ang mga tao o bagay na akala mong kayang kaya ng isang totoong lalaki. Ang kaibahan lang siguro, mas maganda sila manamit, mas maayos ang kanilang buhok, at mas malinis sa pangangatawan.

Madaming mukha at anyo ang kalalakihan kaya huwag tayong basta basta humusga. May mga hindi tunay na lalaki sa mundo pero hindi mo maiaalis ang pagkalalaki nila.

8 responses »

  1. Dude, ang tunay na lalaki.. hindi basta-basta nawawala. Hindi yung bigla na lang hindi magpaparamdam. Hindi mo na ko kilala, pero anlaking impluwensya mo sa’kin. For months, I was devastated because of you. Partially, it was my fault. I let myself think that everything was real. But I really hoped back then that maybe I somehow deserved an explanation why all of a sudden, you just stopped talking to me. For me, that wasn’t manly. At all.

    So if you wanna talk about how to be a man? I guess, you have to be a man first. Sorry. I just can’t let this go.

    • Jake Samson says:

      I understand why you’re upset and you should be and I’m really sorry to have left you hanging all of a sudden without even explaining why. It’s not about you. I liked that I had someone to confide with but there are things in my life that I needed to focus on, changes that I had to deal with. It just came to the point where I wanted to be left alone. Sorry man. For everything.

  2. Sorry. It was very immature writing that comment before. I don’t know. All of a sudden, you just entered my mind and I don’t know what’s with me again. I immediately turned the laptop on and looked at your space here. Seeing you talk about being a man just brought all those buried memories of mine and I abruptly let my emotions get the best of me. So sorry talaga. I don’t know what happened to you so I realize that I am nobody to judge. And even if I knew, who am I to do so. Sorry ule. I wish you well.

  3. Shaz says:

    ….may tunay pa bang lalaki nowadays…madaming guys attracted sa guys but takot lumabas sa atung lipunan….

  4. sasa says:

    ❤ this 🙂 ang tunay na lalaki di mahihiyang gumawa ng hearts gamit ang characters. haha. kidding aside, this is great 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s