Sometimes I just have to remind myself that everything’s gonna be okay. I’ve been through a lot worse and I’ve come out fine. Sabi nga nila, wala naman binibigay na pagsubok sa atin na hindi natin kakayanin. Sure, the wounds are still there and they remind me every day of the past failures that I had to overcome. Ang hirap na pinagdaanan mo dati, nagsisilbi silang paalala sa ‘yo. All those feelings remain even after the wound has healed to remind you that you can move on. Ilang beses na din naman ako nadapa pero bumangon naman ako ulit. Minsan matagal, minsan mabilis pero wala naman siguro sa haba ng panahon ‘yan… siguro ang mahalaga nakatayo ka pa din.
Sometimes I just have to remind myself what I’m worth. Minsan kasi nakakalimutan ko ang sarili ko dahil sa kagustuhan ko na mapasaya ang ibang tao. Hindi naman ako selfish eh. I’m willing to sacrifice a lot for other people. Ginagawa ko naman ang mga iyon dahil ginusto ko. Wala naman akong ibang kailangan sisihin sa huli kung hindi ang sarili ko din. Oo nagparaya ako. Nagpakatanga, nagbulag-bulagan. Ganon talaga pag nagmahal ka. Ibibigay mo ang lahat. Hindi naman kasi pwede na magmahal ka ng kulang. Hindi naman ito pahulugan. Kailangan mong sumugal eh. Ayun nga lang, minsan talo, minsan panalo.
It’s not the first time I went through all these things, all these feelings. Ang tanda ko na pero ewan ko ba. Parang hindi ako natututo pagdating sa puso. Yes, I have learned a lesson or two but somehow I keep finding myself back in the same cycle. Ito na naman tayo, mahuhulog sa isang tao. Mapapraning kakaisip kung nasaan na siya at anong ginagawa niya. Iniisip ka ba niya? Nag-aalala ba siya sayo? Sapat ka na ba para sa kaniya? Kuntento ba siya sa ‘yo? Kaya mo bang ibigay lahat nang maibibigay mo hanggang sa wala nang matira para sa sarili mo? Ang hirap mag-overthink sa totoo lang. Ang hirap isipin na baka kulang ka pa rin kahit ibigay mo na ang lahat. Ang sakit.
Sometimes I just have to appreciate myself more. Find things about myself that have value. May mga qualities naman ako na siguro magugustuhan ng mga tao. May mga kaibigan pa din naman ako na nalalapitan at nilalapitan din naman nila ako pag may problema sila. Di ko naman masasabi na mabuti akong tao pero sinusubukan ko naman maging mabait. Tumutulong naman ako hanggang sa makakaya ko. Wala naman akong hinihingi na kapalit. Gasgas na pero wala naman kasi talagang taong perpekto. Lahat naman tayo may mga pagkukulang. May mga kani-kaniyag topak. May mga bagay tayo na ginagawa na hindi natin namamalayan nakakasakit na pala ng iba. Sensitive naman siguro ako kahit papaano. Self-aware naman ako sa mga nangyayari sa paligid ko. Pero siyempre hindi naman maiiwasn magkamali ang importante naman ay natuto tayo sa mga karanasan natin.
Hindi naman ako ambisyoso. Sa totoo lang, hindi naman mataas ang mga pangarap ko. Hindi naman ako naghangan na yumaman talaga or maging sikat. Masaya naman ako sa simpleng buhay eh. Kaso, para sa ibang tao hindi sapat yun. Kaya siguro mababa ang tingin ng iba sa akin pero okay lang naman. Magkakaiba naman kasi tayo ng batayan pagdating sa success eh. Sa iba siguro successful ang tingin nila sa taong madami ang pera o properties. Successful para sa iba yung may magandang career. Successful para sa iba yung maganda ang kalagayan ng pamilya. What I consider success maybe impractical because I measure it based on how much content I feel when I make people happy. Hindi naman ako masyado naniniwala sa mga love languages talaga pero siguro isa na sa akin yung acts of service. Masaya naman ako pag alam kong natutulungan ko yung taong mahal ko lagpasan ang problema niya. Kahit gaano ka simple siguro masaya na ako basta alam kong andun ako sa tabi niya pag kailangan niya ako.
I need to fight for what I deserve pero nakakapagod eh. Nakakapagod din naman lumaban. Nakakapagod din naman ipaglaban ang taong sumuko na sa ‘yo. Pero ganoon pa man, kailangan mo pa din naman ipagpatuloy ang laban. Kapag pagod ka na, pwede ka naman magpahinga pero wag ka lang susuko. Okay lang naman kahit mabagal ang takbo pero wag ka lang hihinto.
Ilang beses ko na din naman tinatatak sa utak ko na kailangan ko mahalin ang sarili ko. Unahin ang sarili ko. Isipin ang sarili ko. Gawin ang nakakapag pasaya sa akin. Na-realize ko lang na yung mga bagay kase na nagpapasaya sa akin eh yung mga ginawa gawa ko din para sa iba. Ewan ko din sa sarili ko minsan. Kaya kong gutumin sarili ko para lang makapag ipon para ibigay sa isang tao. Honestly, the lengths I went through before when I look back, I can’t help but cringe. Nakakatawa naman kase pero siyempre nung time na ginawa mo yun, wala ka naman inisip na iba kung di mapasaya yung tao di ba?
Oo, part of me regrets some of the decisions I’ve made but part of me has also accepted that those decisions made me happy at some point. Again, ginusto ko naman gawin yun. Wala naman pumilit sa akin kaya kung nasaktan man ako… ako lang sisisihin ko di ba?
On the flip side. Oo, mabilis ako magmahal. Nababaliw ako pag nagmahal. Kaya ko ibigay ang lahat. Pero pag ako naman napagod mabilis din ako bumitaw. Lalo na kung hindi ko naman nararamdaman na mahal ako. Pero diba sabi ko kanina, kaya kong ibigay ang lahat kahit walang kapalit? Oo, kaya ko naman pero siyempre sino ba naman ang di mauubos kakabigay kung hindi mo nararamdaman na na-appreciate ka. Kung hindi mo nararamdaman yung effort. Kung nababaliwala ka. Kung pakiramdam mo naman na you are being taken for granted.
At the end of the day, nothing is set in stone. Hindi naman natin talaga alam kung ano mangyayari mamaya o bukas o sa susunod na mga araw. We can plan but we cannot predict the outcome. We can only try to live our lives the best way we can. Hindi naman natin kaya kontrolin ang mga mangyayari. Hindi naman natin malalaman ang iniisip ng isa’t isa. We can only control our own emotions and how we respond to situations. We always have a choice whether we want to be good or we want to follow our own paths away from the expectations that society has set for us.